"Sahig Nanaman"

  Alam naman natin masarap sa pakiramdam ang tumulong sa magulang. Sa pagkat naipapakita natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal. At natutulungan natin silang mapagaan ang kanilang mga gawain. Kaso ang mahirap tanggapin hindi talaga ako naaasahan pagdating sa paglalampaso ng sahig. Dahil bukod sa masakit sa tuhod, likod at braso nakangangawit magpiga ng basahan. Samakatuwid kinatatamaran ko ang paglalampaso ng sahig. Subalit kahit ano ang aking gawin ay hindi ko talaga kayang gawin ang paglalampaso ng sahig. At ito rin gawaing paglalampaso ang aking tinatakasan pagdating sa gawaing bahay. At madalas akong gumagawa ng paraan para hindi ako makapaglampaso. Dahil ang paglalampaso talaga ang bukod tanging gawain ang hindi ko gustong gawin. Sapagkat kahit anong gawin kong paraan para matutunan ang paglalampaso ay hindi ko talaga kayang gawin. Pero sa ibang gawaing bahay ay maasahan ako ng aking magulang. Dahil dito lang ako nakakabawi sa aking pagiging tamad sa paglalampaso. Samakatuwid kahit papano sa isang gawain hindi ko talaga kayang gawin ay napapakita ko pa rin sa aking magulang na handa pa rin akong tumulong sa kanila sa mga gawaing bahay.


Fatima Mae Crisostomo

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Users' Comments (0)

"Hiniwa ko, Sinugatan mo!"

      Nababanas ako sa paghihiwa ng mga sangkap na gagamitin ni nanay sa pagluluto.Kapag may mga handaan lalo na ang pista , kaagad akong nagtatago upang hindi lang maghiwa.Kasi naman sa hindi inaasahang pagkakataon habang ako ay nag-eenjoy maghiwa bigla kong nahiwa ang aking daliri at walang humpay ang pagdurugo nito.Magmula noon ay nagkaroon na ako ng phobia sa paghihiwa.

      Ngunit talaga namang malas, nachempuhan ako ni nanay na nagtetext at walang ginagawa,araw iyon ng pista at abalang-abala ang lahat.Kaya hindi ako makatanggi nang utusan niya akong maghiwa.Sa araw na iyon muli na naman akong nasugatan nang dahil sa paghiwa nang karne ng manok. Dahil dito hindi ako nakakapagsulat sa mga lecture sa eskwelahan at hindi ako nakakapagsagot ng maayos sa mga journals.Inis na inis ako noon at sinabi ko sa sarili na "hinding hindi na ako maghihiwa kailanman".Baka sa ikatlong pagkakataon ay maputol na ang daliri ko ng dahil lang sa paghihiwa.

      Kinaiinisan ko talaga itong gawin.Ngunit sa isang banda,hindi naman maari ang nais ko.Kailangan ko paring matutunan ang maingat na paghihiwa.Alam naman natin na may ibang tao na talagang nagagalak gawin ang ang ganitong bagay, lalo na ang mga CHEF.Kahit nakapikit siguro ay hindi sila masusugatan o mahihiwa.

     Kaya naman ito na lamang ang maipapayo ko sa mga katulad kong kinaiinisan ang paghihiwa ,mag-ingat na lamang tayo para hindi tayo masugatan at upang hindi na natin kainisan pa ang paghihiwa.


Marie Joie  Yuvienco.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Users' Comments (0)

"Wash it? hate it"




 Tulog, kain, aral, kain, tulog, sarap ng ganyang buhay. Kung ganyan na lang lagi ang ginagawa ko, haller!!! Baka araw-araw na lang e may misa sa amin. sermon dito, sermon doon.

 Hindi ako pinalaking tamad ng aking mga magulang. Kaya syempre kapag wala akong ginagawa sa bahay e naglilinis ako, pero di naman yung buong bahay e lilinisin ko, kung ganon ang gagawin ko, sana pala e pumasok na lang ako ng katulong, magkakapera pa ako nun.

 Pero hindi sa lahat ng oras e naglilinis ako. syempre hindi na ako naglilinis kapag gabi. Oras na ng pahinga iyon eh.

 At hindi rin sa lahat ng mga gawaing bahay ay gusto kong gawin. May kinaiinisan din akong gawin. Ang pinaka kinaiinisan kong gawaing bahay ay ang paghuhugas ng plato kapag gabi. Gaya nga nung nasulat ko nung una, hindi sa lahat ng oras e naglilinis ako. Dahil sa maghapon kong gawain, wala na akong na ganang mag linis pa sa gabi.

 Isa pang dahilan kung bakit ko kinaiinisan ang paghuhugas ng plato sa gabi, simple lang, dahil sa tamad na ako. Lalo pa akong maiinis kung uutusan ako ng mga magulang ko na maghugas ng plato. Ayokong inuutusan ako kapag tinatamad ako. Pero kung hindi ko naman susundin yung pinag-uutos sa akin, hay naku, maghahanda na nun ako dahil aandar na naman ang mala arm alight na bunganga ni nanay. Pero kahit na sermunan ako ni nanay, ayos lang sa akin, kasi sanay na ako. haha!!
 Para makaiwas  na lang ako sa kinaiinisan kong gawin, natutulog na lang ako ng maaga. Para at least di ako naiinis, at the same time, di rin ako mapapagalitan. di ba?

Femy Jean L. Tuazon

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Users' Comments (0)

"Oh my! nakakapaso"


     Ang pinaka kinaiinisan kong gawin ay ang mamlantsa.Dahil kunwari nalang habang ako'y namamalantsa ramdam na ramdam ko ang init na singaw ng plantsa.Mainit na nga ang panahon lalo pang iinit dahil sa mainit na singaw na dulot nito.Pagkatapos mong gawin ito paniguradong tatagaktak ang pawis mo.Bawas nanaman ang cholesterol sa katawan mo.

    Sumunod naman dito ay ang nakakapasong hatid nito.Noong mga nakakaraang araw kapag ako ay namamalantsa napapadalas  ang pagkapaso ko dito.Hindi sinasadyang mapapadikit ang anumang bahagi ng kamay ko "Oh my! biglang nabanggit ko sabay bitaw biglang sa planstang hawak ko.At syempre kasunod niyan ay ang pagbakat ng bahagi ng plantsa sa bahagi kung saan ako ay napaso.Paniguradong lapnos o maga ang dulot niyon.

    Nakakatamad!isa rin sa dahilan kung bakit kinaiinisan ko ang magplantsa.Siguro dahil na rin sa araw at oras kung kailan ko isinasagawa ang pagpaplatsa ng aking mga damit.Eksaktong linggo, ng 9 ng gabi.Hindi ba't sa mga oras na ito ay dapat nahiga kana at namamahinga.Nguni't ako,sa mga oras na iyon sa kasalukuyan pang namamalantsa.Hindi ba't nakakatamad ng gawin ang bagay na iyon.Kaya minsan pag umiiral talaga si katam,siguradong hindi ko tatangkain na hawakan ang ano mang bahagi ng platsa.Pababayaan ko na lang na lukot ang damit ko o kahit ang uniporme kong pamasok.

    Bukod sa nakakatamad,nakakangawit rin ang pagpaplantsa.Nakatayo ka habang pilit mong itinutuwid ang bawat bahagi ng damit mo.Namaan!Ang ginagawa ko ay yung pihitan ng plantsa na dapat ay #3 lang para hindi masyadong mainit ay tinotodo ko ng hanggang #5.Para mabilis na matuwid ang damit o pantalon kong pinaplantsa.Oh! di ba?tiyak na kahit sandali mo lang padaanan ng plantsa ang bawat bahagi ng damit mo ay tutuwid na!.

    Sa makatuwid,naiirita talaga kung gawin ang pagpaplantsa.At kahit lukot-lukot ang damit ko,wala akong pakialam basta't huwag lang akong mapaso,mainitan at mangawit ng sobra!.


    Rossana Gonzales

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Users' Comments (0)

"Magtiklop ng Damit Bwisit"

   Makita mo palang ang gabundok na damit na galing sa sampayan,ay tila manlalata kana sa taas at dami ng iyong tiklupin. Pero hindi pwedeng hndi ko gawin ang trabahong "nakaassign" sa akin. Wala akong magagawa kundi sundin ito dahil sigurado papagalitan ako.

   Tuwing sabado na lang bandang 9pm, kapag sasapit na ang oras na ito ay tila kumukunot na ang aking noo dahil lang sa trabahong ito. Kaya minsan para makaligtas, nagdadahilan na lang ako na masakit ang ulo, may lagnat at iba pa, para lamang makaligtas sa pagtitiklop ng damit.

   Pero natuto na rin ako dahil wala naman akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko lamang. Hindi ko naman pwedeng iutos sa iba. Natuto na rin akong dumisiplina at "narealize" ko rin na ang pagtitiklop ng damit ay repleksyon ng aking paguugali at pagkatao.

Sadire Lopez Jr.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Users' Comments (0)




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Users' Comments (0)