Sumunod naman dito ay ang nakakapasong hatid nito.Noong mga nakakaraang araw kapag ako ay namamalantsa napapadalas ang pagkapaso ko dito.Hindi sinasadyang mapapadikit ang anumang bahagi ng kamay ko "Oh my! biglang nabanggit ko sabay bitaw biglang sa planstang hawak ko.At syempre kasunod niyan ay ang pagbakat ng bahagi ng plantsa sa bahagi kung saan ako ay napaso.Paniguradong lapnos o maga ang dulot niyon.
Nakakatamad!isa rin sa dahilan kung bakit kinaiinisan ko ang magplantsa.Siguro dahil na rin sa araw at oras kung kailan ko isinasagawa ang pagpaplatsa ng aking mga damit.Eksaktong linggo, ng 9 ng gabi.Hindi ba't sa mga oras na ito ay dapat nahiga kana at namamahinga.Nguni't ako,sa mga oras na iyon sa kasalukuyan pang namamalantsa.Hindi ba't nakakatamad ng gawin ang bagay na iyon.Kaya minsan pag umiiral talaga si katam,siguradong hindi ko tatangkain na hawakan ang ano mang bahagi ng platsa.Pababayaan ko na lang na lukot ang damit ko o kahit ang uniporme kong pamasok.
Bukod sa nakakatamad,nakakangawit rin ang pagpaplantsa.Nakatayo ka habang pilit mong itinutuwid ang bawat bahagi ng damit mo.Namaan!Ang ginagawa ko ay yung pihitan ng plantsa na dapat ay #3 lang para hindi masyadong mainit ay tinotodo ko ng hanggang #5.Para mabilis na matuwid ang damit o pantalon kong pinaplantsa.Oh! di ba?tiyak na kahit sandali mo lang padaanan ng plantsa ang bawat bahagi ng damit mo ay tutuwid na!.
Sa makatuwid,naiirita talaga kung gawin ang pagpaplantsa.At kahit lukot-lukot ang damit ko,wala akong pakialam basta't huwag lang akong mapaso,mainitan at mangawit ng sobra!.
Rossana Gonzales
0 comments:
Post a Comment